108

Dec 21, 2017 @ 16:43

Sunog sumiklab sa lechon resto sa QC

Nasunog ang ika-apat na palapag ng isang restaurant sa Quezon Avenue, Quezon City, Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Quezon City Fire Department, alas-10:40 ng gabi nagsimula ang sunog sa Elar’s Lechon Restaurant at inakyat sa ikalawang alarma dakong alas-10:50 ng gabi, sa report ng DZMM.

Sinabi ng isang staff ng restaurant na ang tela na ginagamit nila sa catering services ang nakalagak sa naturang palapag.

Wala namang naiulat na nasaktan sa nasabing sunog.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?