53

Oct 6, 2021 @ 16:47
By

Sunog sumiklab sa ‘Kalye Impyerno’ sa Navotas

Naging literal ang dapat ay pangalan lamang ng kalye sa Navotas nang masunog ang isang residential area sa tinatawag na Kalye Impyerno sa naturang lungsod ngayong Miyerkoles.

Ang kalye, na matatagpuan sa Barangay San Roque, ay nagsilbing totoong impyerno sa loob ng ilang minutong sunog na umabot pa sa ikalawang alarma.

Sumiklab ang apoy dakong alas-1:09 p.m. ng hapon at idineklarang under control dakong alas-1:39 p.m. ng hapon.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog maging ang halaga ng mga natupok ng apoy.

Wala namang naitalang nasawi o nasugatan sa pangyayari. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?