By

Sunog, sumiklab sa isang bodega ng kahoy sa QC

Sharing is caring!

Isang bodega ng lumber products o kahoy ang nasunog 8:48 Huwebes ng gabi sa Barangay Pag-ibig sa Nayon, Quezon City.

Ang nasunog na bodega ng Statewood Enterprises na matatagpuan sa 504 A. Bonifacio St. ay nabatid na pag-aari ng isang Michael Chua.

Ayon sa guwardiya ng bodega, posibleng pinagmulan ang sunog ang naiwang bukas na makina sa dulong bahagi ng warehouse.

Umabot ang sunog sa Ika-4 na alarma bago idineklarang fire under control 9:19 ng gabi.

Inaalam pa ang kung magkano ang napinsalang ari-arian sa sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?