20

Nov 17, 2021 @ 18:48
By

Sunog sumiklab sa Intramuros

Nasunog ang isang warehouse sa Intramuros nitong Miyerkoles, Nobyembre 17, bandang alas-2:15 ng hapon.

Nagsimula ang sunog sa 20 Solano Street sa Intramuros.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection, naapula ang apoy bandang alas-2:38 ng hapon.

Wala namang nasugatan sa nasabing sunog.

Inaalam pa ng awtoridad ang laki ng pinsala sa nasabing insidente. Iniimbestigahan pa ang dahilan ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?