44

Jul 8, 2020 @ 18:57

Sunog sumiklab sa DTRI sa UP Los Baños

Sumiklab ang sunog sa isang gusali na nasa loob ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) campus sa Laguna nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa inisyal na ulat, tumama ang sunog sa Dairy Training and Research Institute (DTRI) building at posibleng napinsala ang laboratoryo na nasa loob nito.

Nagsimula ang sunog bandang alas-tres ng hapon at umakyat sa ikalawang alarma.

Idineklara itong “under control” ng alas-4 ng hapon.

Kilala ang DTRI lalo na sa paggawa nito ng mga processed product gaya ng sariwang gatas at keso. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?