42

By

Sunog sumiklab sa bodega ng kendi sa Navotas

Sharing is caring!

Lima ang sugatan sa sunog sa bodega ng candy at karton sa Navotas City ngayong Linggo ng hapon.

Nagsimula ang sunog alas-dos ng hapon sa tatlong-palapag na gusali ng Columbia Candy Corp., sa Escoda Street, San Rafael Village ng nabanggit na siyudad.

Ayon sa isa sa mga empleyado ng warehouse, nakarinig sila ng mga nagpuputukan sa ikatlong palapag.

Sinubukan umano nilang apulahin ang apoy sa pamamagitan ng paggamit ng fire extinguisher ngunit hindi ito umubra dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy dahil sa mga nakaimbak na plastic at karton doon.

Agad na itinaas sa ikatlong alarma ang sunog at alas-kuwatro ng hapon nang ideklara itong fire-out.

Apat na empleyado at isang fire volunteer ang sugatan sa insidente.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang sanhi ng sunog at kung magkano ang naabo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?