477

By

Sunog sumiklab sa Barangay San Antonio, QC

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa West Riverside ng Barangay San Antonio, Quezon City ngayong Martes, Marso 5.

Nagsimula ang sunog dakong alas-10 ng umaga at makalipas lamang ang ilang minuto ay itinaas na ito sa ikatlong alarma, ayon sa Quezon City Fire Bureau.

Ilang residente ang nagsabing habang kasagsagan ng sunog ay may naririnig umano silang mga pagsabog.

Matatandaang noong nakaraang taon ng Pebrero ay nagkaroon din ng sunog sa nasabing lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?