112

Jan 17, 2021 @ 11:31

Sunog sumiklab sa Alabang

Umabot na sa ikatlong alarma ang sunog ngayong umaga sa tapat ng Starmall Alabang sa Muntinlupa.

Ayon sa Txtfire Philippines, pumalo sa first alarm ang sunog sa isang squatter area malapit sa southbound lane ng Alabang Viaduct at Alabang Terminal bandang 8:27 ng umaga, Enero 17, at makalipas ang walong minuto ay umakyat sa ikalawang alarma.

Napaulat namang umabot sa third alarm ang sunog pasado alas-nuwebe ng umaga.

Inaalam pa ang sanhi ng pagliyab at kung may nasugatan dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?