13

Nov 4, 2020 @ 16:54
By

Sunog sa Tondo, umabot sa ika-2 alarma

Iniimbestigahan na ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Delpan Bridge, Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng umaga.

Sa ulat, sinabi ng Bureau of Fire Protection na nasa 20 na bahay ang natupok habang 40 pamilya ang apektado.

Nagsimula umano ang sunog sa tatlong palapag na residential building alas-8:29 ng umaga.

Agad itong umakyat sa ikalawang alarma ng alas-8:31 ng umaga at dineklarang fire out bandang alas-9:09 ng umaga.

Masuwerteng walang namatay o nasugatan sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?