500

Jan 8, 2022 @ 10:42
By

Sunog sa Starmall umabot sa TF Alpha

Umabot sa Task Force Alpha ang sunog na sumiklab sa Starmall sa Alabang, Muntinlupa City nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog pasado alas-3 ng madaling-araw.

Umakyat ito sa ikalawang alarma bandang alas-4:15 ng madaling-araw; ikatlong alarma ng alas-4:49 ng madaling-araw at ikalimang alarma ng alas-7:13 ng umaga.

Itinaas sa Task Force Alpha ang sunog ng alas-7:46 ng umaga.

Sa Task Force Alpha, lagpas sa 12 bahay na ang apektado ng sunog at 24 trak ng bumbero ang kailangang rumesponde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?