265

Jan 8, 2022 @ 22:23
By

Sunog sa Starmall inabot lagpas 16 oras

Inabot ng mahigit 16 oras bago nadeklarang under control ang sunog na tumupok sa Starmall Alabang sa Muntinlupa City ngayong Sabado.

Matatandaang pasado alas-3:00 ng madaling araw ng sumiklab ang sunog, at idineklara itong kontrolado dakong alas-7:03 ng gabi.

Sa laki ng sunog, itinaas ito sa Task Force Alpha.

Sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP), apat na bumbero at isang volunteer fireman ang nasugatan habang inaapula ang apoy.

Batay sa inisyal na pagtataya ng BFP, aabot sa P100 milyon ang kabuuang halaga ng pinsala sa naganap na sunog.

Patuloy namang iniimbestigahan ang pinagmulan ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?