96

May 12, 2021 @ 14:50

Sunog sa Pasig City General Hospital umabot sa 3rd alarm

Patuloy pa rin ang pag-apula ng sunog sa Pasig City General Hospital nitong Miyerkoles ng umaga.

Bandang alas-11 ng tanghali ay tinaas sa second alarm ang sunog, ilang minuto lang ang nakalipas ay inakyat naman ito sa third alarm.

Ayon sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region, nagsimula ang sunog sa storage room ng naturang ospital.

Ayon naman kay Pasig City General Hospital Administrator Arlene Samonte, walang nakaimbak na bakuna sa pinagmulan ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?