113

Jul 3, 2021 @ 14:57
By

Sunog sa Pasay umabot sa 4th alarm

Umakyat sa ikaapat na alarma ang sunog na sumiklab sa isang residential area sa Pasay City nitong Sabado.

Ayon sa inisyal na ulat, naganap ang sunog sa Tolentino St., Brgy. 124 bandang alas-10:45 ng umaga.

Itinaas ang sunog sa 4th alarm alas-11:12 ng umaga.

Dahil pawang gawa sa mga kahoy ang mga bahay sa lugar ay mabilis kumalat ang apoy.

Idineklara itong fire out ng alas-12:44 ng tanghali.

Iniimbestigahan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog at halaga ng pinsala.

https://fb.watch/6vMW6fWOOS/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?