239

Feb 28, 2020 @ 19:54
By

Sunog sa Parañaque, umabot sa Task Force Alpha

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Parañaque, nitong Biyernes ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, umabot na sa Task Force Alpha ang nasabing sunog sa kabahayan sa Reyes Street, Fourth Estate sa Barangay San Antonio, Parañaque City.

Bandang alas-5:43 ng hapon nagsimula ang sunog, at halos lampas 10 minuto lang ay inakyat na agad sa fifth alarm ang pagsiklab.

Nasa 16 fire truck ang kakailanganin para mapuksa ang apoy, na bandang alas-6:30 na ay rumaragasa pa rin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?