525

By

Sunog sa palengke sa Tarlac umabot sa ‘general alarm’

Napilitan na ang mga bumbero mula sa kalapit na lalawigan na tumulong para maapula ang sunog na sumiklab sa public market sa Barangay Poblacion sa Paniqui, Tarlac.

Sa report, nagsimula umano ang sunog ng alas-11:45 ng gabi ng Linggo na naapula lang ng alas-7:45 ng umaga nitong Lunes.

Wala umanong nasaktan sa sunog na nagsimula umano sa ukay-ukay section at umabot sa general alarm.

Kinailangang magtulong-tulong ng 32 firetrucks mula sa Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Pangasinan para mapatay ang apoy.

Samantala, paiimbestigahan umano kung sinadya ang pagkasunog ng palengke dahil nasunog na rin ito noong 1992.

Nasa mahigit 100 na tindero rin umano ang apektado sa nangyari habang hindi pa batid ang kabuuang halaga ng naabong ari-arian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?