49
metro-ayala

Sunog sa Metro Ayala sa Cebu, 2 araw tatagal

Sharing is caring!

Dalawang araw pa umano bago tuluyang makontrol ng mga bumbero ang sunog na sumiklab sa Metro Ayala Center sa Cebu kagabi, Biyernes, ayon sa opisyal.

Ayon kay Cebu City Disaster Risk Reduction Management Office Chief Nagiel Bañacia sa SunStar, alas-tres ng madaling-araw ngayong Sabado, sinusubukan pang pigilan ng mga bumbero na nakapasok sa loob ng gusali na hindi kumalat sa main mall ang apoy.

Nagsimula umano ang apoy sa stockroom ng mga laruan sa ikatlong palapag ng Metro Ayala department store bandang alas-9:30 ng gabi, Enero 5, ayon sa isang pahayag ng pamunuan ng Metro Gaisano.

Itinaas ng Bureau of Fire Protection ang alert level sa Task Force Alpha, na ibig sabihin, kailangan ng responde ng iba pang bumbero mula sa kalapit na siyudad.

Alas-tres din ng madaling-araw umano ay nag-collapsed na ang ikaapat na palapag ng Metro Ayala, ayon pa kay Bañacia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?