83

Jan 24, 2021 @ 10:31
By

Sunog sa Maynila umakyat sa 2nd alarm

Lumiyab ang sunog sa isang residential area sa Sampaloc, Manila kaninang umaga.

Napaulat na sumiklab ang apoy sa 2-palapag na bahay sa M.F. Jocson Street sa Barangay 408 bandang 5:45 ng umaga, Enero 24.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tinaas ang sunog sa ikalawang alarma makalipas ang tatlong minuto, at naging under control noong 6:27 ng umaga.

Dineklarang fire out noong alas-6:42 ng umaga.

Damay sa sunog maging ang katabing-bahay na pagmamay-ari ng chairman ng barangay.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Samantala, inaalam pa kung magkano ang pinsala at ano ang sanhi ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?