95

Aug 24, 2020 @ 16:58
By

Sunog sa Mandaluyong umabot sa 3rd alarm

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa isang residential-commercial area sa Mandaluyong City ngayong hapon.

Nagsimula ang sunog sa bandang Boni Avenue bandang alas-3:36 ng hapon, Agosto 24, batay sa volunteer emergency dispatch server TXTFire Philippines.

Umakyat ito sa ikalawang alarma, alas-3:43 ng hapon, at inangat sa ikatlong alarma noong 4:13 ng hapon.

Dineklara itong under control nang alas-4:15 ng hapon.

Hindi pa tukoy ang sanhi ng pagliyab.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?