Sunog sa Mandaluyong, itinaas sa ika-2 alarma

Sharing is caring!

Sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Barangay Ilaya, Mandaluyong City, ngayong Biyernes ng umaga.

Ayon sa report ng dzbb, unang itinaas sa unang alarma ang sunog dakong alas-4:36 ng madaling-araw at inakyat na ito sa ikalawa, dakong alas-5:12 ng madaling-araw.

Mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay na naapektuhan sa loob ng compound ng Pinatubo Street.

Wala pang naiulat na nasaktan sa naturang sunog habang isinusulat ang balitang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?