95

Dec 10, 2020 @ 9:37
By

Sunog sa Makati umakyat sa 2nd alarm

Lumiyab ang sunog sa Barangay Olympia, Makati City kaninang umaga, kahit pa bumuhos ang mahinang ulan doon.

Napaulat na sumiklab ang apoy sa 2-palapag na residential apartment sa kantong Novaliches Street at South Avenue, bandang 5:33 ng umaga, Disyembre 10.

Tinaas ang sunog sa ikalawang alarma makalipas ang ilang minuto, at naging under control noong 6:23 ng umaga, batay sa volunteer emergency dispatch server TXTFire Philippines.

Inaalam pa kung may nasugatan, magkano ang pinsala, at ano ang sanhi ng apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?