350

Nov 26, 2019 @ 10:18
By

Sunog sa Makati umakyat na sa 4th alarm

Tinaas na sa ikaapat na alarma ang sunog sa isang residential-commercial area sa Makati City ngayong Martes ng umaga.

Nagsimula ang sunog bandang alas-7:30 ng umaga, Nobyembre 26, sa J.P. Rizal Ave. corner Varona St. sa Barangay Tejeros, ayon sa Bureau of Fire Protection – Makati.

Ibig sabihin, nasa 16 fire truck na ang nagtutulungan sa pag-apela ng apoy.

Naganap ito apat na araw matapos magkaroon ng sunog sa isa ring residential area sa Zan Zivar Street, Brgy. San Isidro na nagdulot ng pagkawala ng bahay nang nasa 200 pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?