23

Sunog sa likod ng Binondo Church, itinaas na sa ika-5 alarma

Sharing is caring!

Kasalukuyang nasusunog ang ika-apat na palapag ng Wellington Building na nasa likod ng Binondo Church sa Maynila ngayong Biyernes.

Ayon sa report, nagsimula umano ito alas-11:58 ng umaga at inakyat sa ika-limang alarma dakong alas-12:45 ng hapon, ayon sa MMDA.

Sa ilalim ng ika-5 alarma, 12 firetrucks ang dapat nasa insidente sa ilalim ng pangangasiwa ng District Fire Marshal.

Wala pang ibang detalyeng inilalabas habang isinusulat ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?