145

Oct 17, 2019 @ 18:11
By

Sunog sa Gaisano Mall naapula na makalipas ang 16-oras

Idineklara nang fire out ang sumiklab na sunog sa Gaisano Mall sa General Santos City, Miyerkoles ng gabi.

Ala-una ng hapon nitong Huwebes naapula ang apoy na nagsimula matapos yanigin ng magnitude 6.3 na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao na sinundan ng malakas na aftershock pasado alas-otso ng gabi, ayon kay Dr. Agripino Dacera Jr., head ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.

Tinatayang nasa P2 bilyon umano ang pinsala ng sunog habang 70 porsiyento ng mall ang nilamon ng apoy.

Samantala, siniguro naman ni Mayor Ronnel Rivera na tutulungan nila ang mga naapektuhang empleyado ng mall.

Nagsasagawa pa sa kasalukuyan ng pag-iimbestiga ang Bureau of Fire Protection kung ano ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?