137

Jun 12, 2021 @ 11:40
By

Sunog sa Delpan Bridge umakyat sa 3rd alarm

Umabot na sa ikatlong alarma ang sunog na sumiklab sa isang cargo vessel sa ilalim ng Delpan Bridge sa Muelle dela Industria, Tondo, Manila nitong Sabado ng umaga.

Nadamay sa nasunog na MV Titan 8, na may kargang mga tangke ng LPG, ang isang gasoline truck sa tabi nito.

Nagsimula ang sunog ng alas-8:51 ng umaga.

Inaapula pa ang apoy as of 11:15 ng umaga kaya gumamit na ang Bureau of Fire Protection ng chemical foam para maapula ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?