34
views
cebu-mall
By

Sunog sa Cebu mall, tumagal ng halos 20 oras

Sharing is caring!

Umabot sa 20 oras bago idineklarang fireout ang sunog na sumiklab sa Metro Gaisano Mall sa Cebu City na nagsimula kagabi, Disyembre 5.

Ganap na alas-nuwebe ng gabi nang sumiklab ang apoy sa loob ng Metro department store sa Ayala Center, Cebu City pero kinumpirma naman na walang iniulat na namatay o nasaktan dahil nagkataon na sarado na ang mall nang sumiklab ang sunog.

Sa report ni Fire Supt. Ronbaldo Orbita, ground commander ng Bureau of Fire Protection-7 (BFP-7), nahirapan silang pasukin ang department store dahil ‘zero visibility’ na ito sa kapal ng usok kaya binutasan na lamang ang konkretong dingding ng ikatlong palapag para madaanan ng kanilang firehose.

Napag-alaman na nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag kung saan umano naroon ang bodega ng mga laruan.

Ayon naman sa city disater officer ng Cebu City na si Nigel Banacia, nag-collapse na ang fourth floor ng nasabing mall bunsod na rin sa sobrang init sa loob.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?