45

Nov 11, 2021 @ 10:59
By

Sunog sa Caloocan: 2 tsikiting tsugi

Natupok ang ilang kabahayan sa Ylang-Ylang Street, Barangay 185 sa North Caloocan ngayong Huwebes ng umaga kung saan dalawang bata ang nasawi.

Ayon sa ulat, nahirapan sa pagresponde ang mga bumbero dahil sa masikip na eskinita, at madali ring kumalat ang apoy dahil sa gawa lang sa light materials ang mga bahay.

Inabot ng dalawang oras bago naapula ang apoy, ngunit dalawang bata ang naiulat na namatay.

Kinilala ang mga nasawi bilang ang magkapatid na sina Jovina Jurado, 7-anyos, at Briza Jurado, 2-taong gulang.

Natagpuan umano ang bangkay ng dalawa sa isang sulok malapit sa kanilang bintana.

Pinaniniwalaang na-trap ang magkapatid sa gitna ng apoy. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?