120

By

Sunog sa Agham Road, QC umabot sa ikaapat na alarma

Sharing is caring!

Isang sunog ang sumiklab sa komunidad ng informal settlers sa Brgy. Bagong Pag Asa, Agham Road, Quezon City nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang apoy alas-3:24 ng hapon at kaagad na itinaas sa ikaapat na alarma ng alas-3:42 ng hapon.

Idineklara itong fire out dakong alas-4:54 ng hapon.

Nasa 240 pamilya umano ang naapektuhan ng sunog habang humigit-kumulang sa P600,000 ang halaga ng naabong ari-arian.

Kasalukuyan pa umanong iniimbestigahan ang sanhi ng sunog.

Samantala, pansamantala munang inilagak sa Philippine Science High School ang mga residenteng naapektuhan.

Wala pang impormasyon ang BFP kung may nasugatan o nasawi sa apoy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?