668

Feb 23, 2020 @ 14:04
By

Sunog kay Panelo, Karen Davila na-shout out ni Guanzon

Tinawag ni Commission on Elections Commissioner Rowena Guanzon ang atensiyon ni ABS-CBN broadcaster Karen Davila.

Sa ‘Headstart’ kasi ng ANC nitong Biyernes, Pebrero 21, nagkaroon ng mainit na diskusyon sina Davila at Presidential Spokesman Salvador Panelo ukol sa prangkisa ng ABS-CBN, na mapapaso na sa Marso 30, 2020.

Ayon sa mga netizen, nilamon umano nang buhay ni Panelo si Davila sa sarili nitong programa.


Linggo ng umaga, Pebrero 23, inalok ni Guanzon ang kanyang summary sa petisyon ni Solicitor General Jose Calida na ipawalang-bisa ang prangkisa, maging ang opisyal na pahayag at mga argumento ng TV giant.

Na-special mention pa si Davila.

“Here is a summary of OSG’s petition and @ABSCBNNews statement .aralin nyo . Hello @iamkarendavila,” hayag ni Guanzon.

Nakabinbin ngayon sa Korte Suprema ang quo warranto petition ni Calida kontra sa ABS-CBN franchise.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?