285

By

Sunod-sunod na patayan, insulto na sa pulisya – Lacson

Sharing is caring!

Kung hindi kayo nakakaramdam ng insulto, makaramdam naman kayo ng hamon.

Mensahe ito ni Senador Panfilo Lacson sa Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagpaslang kaninang umaga kay Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Lacson, matindi na ang mga krimen na ginagawa kahit maliwanag pa at sa harap ng maraming tao kaya kailangang makalampag na ang pulisya.

“The Philippine National Police should feel challenged, if not taunted,” ani Lacson, dating namuno sa PNP.

Pinaslang si Halili habang nasa gitna ng flag-raising ceremony sa kanilang kapitolyo kaninang umaga.

Sa simbahan at maliwanag din ang sikat ng araw nu’ng paslangin ang tatlong paring Katoliko sa magkakahiwalay na lugar sa bansa mula noong Disyembre.

May mga pinaslang din na mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) at ilang kasalukuyan at dating alkalde, konsehal at kapitan ng barangay.

“The killing of priests, prosecutors, and former and incumbent local officials in broad daylight and in full view of the public may be suggestive of the impunity and brazenness of those responsible for such acts,” dagdag ni Lacson.

Iminungkahi ng senador na maghigpit pa nang husto ang PNP sa pagpapahintulot sa mga sibilyan na magbitbit ng baril bago pa maging kabi-kabila ang patayan.

“And they must immediately consider stricter firearms control strategies before similar killings could reach ubiquitous levels,” pahayag pa ni Lacson. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?