129

By

Sunod sa yapak ni kuya! Thirdy kasali sa Team Pilipinas pool

Matapos ang impresibong UAAP Season 81 stint kung saan nakopo niya ang Finals MVP award, isa pang biyaya ang dumating sa high-flying guard na si Thirdy Ravena.

Nakasama ang pangalan ng kapatid ng dati ring Gilas stalwart na si Kiefer Ravena sa 15-man pool ng Team Pilipinas na binuo para sa huling window ng 2019 Fiba World Cup Asian qualifiers.

Inilahad ito ni Team PH coach Yeng Guiao sa nagdaang PBA Press Corps Awards nitong Lunes.

“He’s supposed to be the 15th man but he had to seek permission from his school and coach Tab first so we had to withhold his name initially. I was told unofficially that he was allowed to join,” pakli ni Guiao.

Kanyang sasamahan sa pool ang ilang beterano na sina June Mar Fajardo, Raymond Almazan, Japeth Aguilar, Poy Erram, Marcio Lassiter, Paul Lee, Scottie Thompson, Gabe Norwood, Jayson Castro, Troy Rosario, Roger Pogoy, Mark Barroca at naturalized players na sina Christian Standhardinger at Andray Blatche.

Haharapin ng Pilipinas ang Qatar sa Pebrero 21, at Kazakhstan naman sa Pebrero 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?