311
Sunod sa yapak ng tatay: Dalagita ni Samboy Lim, target ang SEA Games
Jul 5, 2019 @ 13:40
By

Sunod sa yapak ng tatay: Dalagita ni Samboy Lim, target ang SEA Games

Beauty, brains and brawns – ganyan mailalarawan ang anak ng basketball legend na si Samboy Lim na si Jamie, nagtapos nang summa cum laude sa University of the Philippines, ngayon ay balak namang makapasok sa Southeast Asian Games para sa karate.

Sa panayam kay Jamie sa The Source ng CNN, sinabi nito na ngayon ay nag-eensayo siya kasama ang national team para sa parating na SEA Games na gaganapin sa Pilipinas.

“I’m just focusing on training po right now. So I’m training with the national team and for whatever tournament na pwede pong salihan to represent the country, I’m game for it po,” ayon sa anak ni Samboy.

Inaabangan ng mathematics graduate kung mapapabilang ang kanyang pangalan sa listahan para sumalang sa Asian meet, ngunit hindi ito nag-eexpect.

Nasa dugo ni Jamie ang pagiging atleta, ngunit natigil dahil kailangang magpokus sa pag-aaral.

“Triny ko po ipagsabay pero it was very hard because I wanted to get the highest grade I could get po. I wanted to do my best in all the subjects and it was hard to do it. Lalo na with the traffic po, like I had to travel pa to Megamall to train and it was so hard and I couldn’t do it at the same time,” ayon sa karateka.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?