21

Oct 5, 2021 @ 15:37
By

Sunod sa memo: Duque dinedma Senate hearing

Absent si Health Secretary Francisco Duque III sa pagdinig ng Senado ngayong Martes kaugnay sa overpriced health equipment na binili ng kanyang ahensya.

Ang dahilan sa pagliban ni Duque ay ang memorandum na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa mga miyembro ng Gabinete na dumalo sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

“I cannot [attend] since the Memo from the OP (Office of the President) covers me as part of the executive department which bars us from attending,” pahayag ni Duque ayon sa ulat ng Inquirer.

Ayon sa chairman ng nasabing komite na si Senador Dick Gordon, mga opisyal ng CSC at COA lamang ang dumalo mula sa inimbitahan nilang ahensya ng gobyerno.

Ang pagbabawal ni Duterte sa pagdalo ng mga miyembro ng Gabinete ay bunga umano ng kawalan ng respeto ni Gordon sa mga ito.

“We cannot allow blatant disrespect of resource persons at the ongoing hearing of the Senate blue ribbon committee. Gordon, you are not God and you cannot play God,” wika ng pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?