10

Jan 25, 2021 @ 13:57
By

Sunod na quarantine status ng NCR pag-uusapan bukas

Isa sa mga tatalakayin ng Metro Manila Council (MMC) sa kanilang pulong bukas, Enero 26, ay kung handa na ba ang National Capital Region (NCR) na isailalim sa modified general community quarantine (MGCQ).

“Isa po ‘yan sa pag-uusapan po natin sa meeting by tomorrow night. Titingnan po natin ‘yung ating UK variant na ito if it will affect our metropolis at kung ano ‘yung mga prevention natin na gagawin bago tayo mag-MGCQ,” wika ni MMC head Edwin Olivarez sa ANC, Lunes.

Magugunitang nakasailalim ang Metro Manila sa GCQ hanggang sa dulo ng buwan.

Bukod sa quarantine status, pag-uusapan din aniya ng mga alkalde ang magiging rekomendasiyon ng MMC hinggil sa pagpapalawak ng age range ng mga residenteng pwede nang lumabas ng bahay.

Simula Pebrero 1, pwede nang lumabas ang mga tao sa MGCQ areas na edad 10 hanggang 65.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?