6

Mar 8, 2021 @ 15:47
By

Sungjin ng DAY6 nag-enlist na sa military

Ginulat ni DAY6 leader Park Sung-jin ang fans at inanunsiyong mag-eenlist na siya sa military service ngayong araw.

Ngayong Lunes, habang nakasakay sa kotse ay nilahad ng South Korean singer-guitarist sa isang V LIVE broadcast na papunta na siya sa military training center kung saan niya sisimulan ang serbisyo.

Buzz cut ang estilo ng buhok niya habang ang titulo ng broadcast ay, “Salute!!!”

Naka-hiatus sina Sungjin at Jae mula sa mga aktibidad ng DAY6 mula pa Mayo 2020.

Noong Pebrero, nakumpirma na magka-comeback ang South Korean rock band at planong ilabas ang kanilang album sa Abril.

Sa broadcast, sa ulat pa ng Soompi, sinabi ni Sungjin na natapos niya na ang mga bahagi niya sa naturang DAY6 album.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?