34

Oct 23, 2017 @ 16:47

Sundalo’t pulis na sumabak sa Marawi, sinaluduhan

Kinilala at pinapurihan ng  Malacañang  ang  lahat  ng  mga  sundalong  sumabak sa  limang buwang  giyera sa  Marawi City  matapos  tuldukan ng Department of National Defense ang  giyera  laban sa mga  teroristang  Maute.

Sinabi  kahapon ni  Presidential Spokesman Ernesto Abella, saludo sila  sa  mga  tropa  ng  militar  at  pulisya  na  nagsakripisyo, pati na ang  mga  nagbuwis  ng  buhay  para  maipagtanggol ang  bansa  laban sa  mga terorista.

“We commend government troops, including the fallen, for their courage, gallantry, and sacrifice. A snappy salute to all of you!” ang  pahayag  ni Abella.

Kahapon ay  opisyal nang idineklara  ni  Defense  Secretary  Delfin Lorenzana  ang  pagtatapos  ng giyera sa Marawi City  matapos matiyak  na wala ng  naiwang  mga  terorista sa  lungsod.

Ipinagmalaki  ni Abella  na  napagtagumpayan ng  gobyerno ang  pinaka-seryosong banta  ng  extremism at radicalism sa Pilipinas  at sa  Southeast Asia.

“We have successfully concluded what has been, so far, the most serious threat of violent extremism and radicalism in the Philippines and in Southeast Asia. The defeat of the Daesh-inspired Maute Group likewise underscores our singleness of purpose in the global war against terrorism,” ang  dagdag pa ni Abella.

Matatandaang  nag-umpisa  ang  bakbakan sa  Marawi City noong  May 23  matapos  salakayin ng  Maute terror  group ang  lungsod   kasama  ang  ilang  mga  dayuhang  terorista  na  kunektado sa  grupong  ISIS, at  nagbunsod  naman kay Pangulong  Rodrigo Duterte  para  magdeklara  ng  Martial Law sa  buong  Mindanao at  putulin ang  biyahe sa  Russia  at agad  bumalik sa  bansa. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?