28
laguna-lake-dead-body
By

Sundalo todas sa pakikipaglaban sa ISIS-inspired terror sa Cotabato

Sharing is caring!

Nasawi ang isang sundalo matapos na makipagsagupa sa mga natitirang miyembro ng ISIS-inspired terrorist group sa Pigcawayan, North Cotabato kahapon.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Private First Class Garry Quitor, 27-anyos.

Si Quitor ay miyembro ng Alpha Company ng 33rd Infantry Battalion ng Philippine Army na patuloy na tumutugis sa mga natitirang terorista sa Maguindanao.

Ayon kay Commander Lt. Col. Harold Cabunoc, si Quitor ay maituturing na bayani dahil sa pakikipaglaban sa mga terorista.

Nagpapatuloy naman ang paghahanap ng militar sa mga nakasagupang ISIS-inspired terrorist group sa lugar.

Batay sa informants ng militar, na-trap sa lugar ang mga nakasagupang terorista, isa rito ay kinilalang si Salahuddin Hassan, alyas Orak at iba pang foreign jihadist.

Nasira ang kanilang bangka matapos ang isinagawang air strikes at artillery bombardments ng militar.

Nakuha naman ng mga sundalo sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang kalibre 30 garand rifle. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?