243

By

Sundalo sinibak sa serbisyo matapos magpa-sex change

Naiyak ang isang South Korean Army Sergeant matapos siyang ma-discharge sa serbisyo dahil sa pagpapalit niya ng kasarian.

Si Byun Hui-su ang unang transgender soldier sa South Korea, ayon sa TIME.

Siya rin ang kauna-unahang active-duty member na isinalang sa military panel para mapagdesisyunan kung tatanggapin pa siya sa army o hindi na makaraan niyang magpa-sex reassignment operation.

Ipinagbabawal ng South Korea ang mga transgender sa military pero wala silang batas para sa mga sundalo na nagpa-opera habang nasa serbisyo.

Matapos ang ibinabang desisyon, nagpa-presscon si Byun Hui-su, na isa umanong tank driver.

Umapela siya sa mga military leader na pag-isipan ang naging desisyon at payagan siyang magsilbi bilang babaeng sundalo.

Childhood dream daw niya ang pagiging sundalo at gusto niyang tumulong sa tensiyon sa border sa kalabang North Korea.

Sa kabila aniya ng sexual identity niya ay kaya niyang maging magiting na sundalo at kayang protektahan ang kanyang bansa.

“Please give me that chance,” pagmamakaawa ni Byun Hui-su.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?