214

Oct 24, 2017 @ 13:40

Sundalo, pulis sa Marawi tumanggap ng medalya

Nakatanggap ng gold cross medal at silver cross medal ang 27 sundalo at pulis na nagsilbing frontline sa naganap na giyera sa lungsod ng Marawi.

Oktubre 21, 2017 unang pinarangalan ang 18 na sundalo mula sa 2nd at 3rd Scout Ranger Battalions at Joint Task Group Bakal.

Gold cross medals ang isinabit sa kanila ni Lt. Gen. Carlito Galvez Jr., commander ng Western Mindanao Command, dahil sa pagpapakita ng kabayanihan at katapangan habang isinasagawa ang close-quarter battle laban sa 1,000 miyembro ng Maute ISIS group sa Marawi City.

Noong Oktubre 22, limang sundalo naman mula sa 10th Infantry Battalion at Joint Task Group Vector ang sinabitan din ng gold cross medals, gayundin sa mga police officer na sina Police Sr. Insp. Seth Mark Alob at PO3 Isah Sangcad habang silver cross medal ang kina Police Supt. Rolando Anduyan at Police Supt. Danilo Bacas. Ang dalawa ang nagsilbing Joint Task Group PNP commander at assistant commander, na nanguna sa matagumpay na operasyon sa Marawi crisis.

Nakatanggap naman ng command plaque sina Brigadier General Vinluan, commander ng Joint Task Force Vector; Police Sr. Supt. Anduyan, commander ng Joint Task Group, at Brigadier Gen. Budiongan, commander ng JTG Bakal, at iba pang battalion commanders na nanguna sa tropa ng pamahalaan para sa pakikipaglaban sa mga terorista sa Marawi. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?