193

Oct 26, 2017 @ 15:12

Sundalo, pulis sa Marawi siege, bibigyan ng tulong pinansiyal

Tatanggap ng tulong pinansiyal mula sa Employees’ Compensation Commission (ECC) ang mga sundalo at pulis na nasawi o nasaktan sa limang buwang giyera sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay ECC Executive Director Stella Zipagan-Banawis, naglaan ang ahensya ng kabuuang P2.3 milyon bilang benepisyo sa mga unipormadong kawani na sumabak sa nasabing krisis.

Mula sa nasabing halaga, P1.75 milyon ay para sa disability benefits o tulong para sa mga nasaktan, habang P640K naman ay bilang death benefit sa mga namatay sa bakbakan.

Kaugnay nito, sinabi ni Banawis na naglabas na ang ahensya ng Board Resolution No. 17-06-22 para mabilis na maiproseso ang nasabing mga benepisyo. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?