135
landmine
Jun 5, 2018 @ 15:08

Sundalo patay sa sumabog na landmine sa Quezon

Isang tropa ng militar ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan matapos sumambulat ang landmine na itinanim ng mga hinihinalang New People’s Army (NPA) sa bayan ng Lopez, sa Quezon province, Lunes ng gabi.

Ayon sa report, sakay ng military truck ang mga sundalo na patungo sanang 85th Infantry Battalion headquarters sa Barangay Villa Principe nang sumabog ang landmine sa kahabaan ng Barangay Bagong Silang alas-otso ng gabi.

Nasundan ang pagsabog ng pamamaril ng ‘di pa batid na bilang ng mga rebelde.

Nagresulta ito ng isang oras na palitan ng putok ng mga sundalo at rebelde kung saan tumimbuwang si Private First Class Nilo Julian habang sugatan sina Sgt. Victor Bartocillo at Corporal Jonathan Baylar.

Samantala, wala pang impormasyon kung may namatay sa panig ng mga rebelde. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?