91

Dec 20, 2017 @ 10:36
By

Sundalo patay, 2 kasamahan sugatan sa ambush sa Basilan

Todas ang isang sundalo at sugatan ang dalawa nitong kasamahan matapos tambangan ng mga bandidong Abu Sayyaf Group sa Basilan kamakalawa.

Sa ulat ng Tipo-Tipo Police chief, Sr. Insp. Mujahid Mujahid, nagsasagawa ng route security ang mga sundalo ng 74th Infantry Battalion nang biglang tambangan ng mga bandido sa Sitio Baunodagaw, Barangay Badja, bandang alas-6:00 ng umaga.

Ayon pa kay Mujahid, may mga natatanggap silang report na nagtatanim ng improvised explosive device sa nasabing lugar ang mga bandido kaya agad silang nagsagawa ng route security.

Patuloy pa ang operasyon ng mga sundalo sa lugar. (Betchai Julian)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?