173

By

Sundalo niratrat, ninakawan ng NPA

Sharing is caring!

Patay ang isang sundalo matapos na pagbabarilin ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Anislag, Daraga, Albay.

Kinilala ang nasawing biktima na si Private First Class George Rey Murillo, 27-anyos, residente ng Barangaay Cumadcad, Sorsogon.

Sa ulat ng PNP, alas-sais ng umaga kanina nang maganap ang pamamaril sa biktima habang ito ay nasa palengke sa Purok 2, Barangay Anislag, Albay.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa ulo dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Kinuha ng mga rebelde mula sa nasawing sundalo ang isang baril nito at pera.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?