58

Sundalo, nag-propose sa GF na combat medic sa military ops

Sharing is caring!

Nagpamalas ng kakaibang katapangan ang isang sundalo matapos nitong mag-propose sa kanyang kasintahan sa gitna ng kanilang operasyon sa Sultan Kudarat.

Habang nagpapahinga sa kanilang patrol base sa gitna ng pakikidigma laban sa terorista, nagpahayag ng kanyang pag-ibig si Corporal Denemar Albani kay Private Christine Porcadilla.

Tensiyonado ang iba pang miyembro ng Special Reaction Platoon ng 33rd Infantry Battalion habang naghihintay ng susunod na hakbang ni Albani.

Sa tulong ng apat niyang katropa na may hawak ng mga piraso ng papel na may mga katagang: “Will you marry me?”, lumuhod ang 27-anyos na radioman at binulalas ang malaking katanungan kay Porcadilla.

Namula at kinilig naman ang 26-anyos na combat medic na si Porcadilla at sinagot ng, “Yes, sergeant” si Albani.

Kasunod nito’y kinantiyawan sila ng mga kapwa sundalo ng “kiss!” na pinaunlakan naman ni Christine at hinalikan si Albani.

Matapos nito ay kumuha ng permit to marry ang dalawang soon-to-be-married sa kanilang platoon commander na si Lt. Col. Harold Cabunoc na nagbigay naman ng kanyang payo hinggil sa pag-aasawa.

“Kailangan magrerespetuhan tayo, wala nang ranggo ranggo pagdating sa bahay, minsan ang asawa ang magiging boss. Magmahalan kayong tunay,” ang mensahe ni Cabunoc sa ikakasal.

Dating CAFGU Active Auxiliary personnel si Porcadilla nang mainlab kay Denemar, apat na taon na ang nakakaraan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?