165

By

Sundalo nabaril ang sarili, patay

Nasawi ang isang sundalo matapos aksidente niyang mabaril ang sarili sa loob ng tinitirhang apartment sa Sta. Cruz, Maynila nitong Biyernes.

Ayon sa report sa dzbb, nililinisan umano ni Corporal Michael Arceo, 26, ang kanyang service firearm nang pumutok ito.

Nakita pa umano ng kinakasama ng biktima na si Sushmita Tayo habang naglilinis ng baril ang biktima dakong alas-tres ng madaling-araw bago nagtungo sa negosyo niyang videoke bar sa ibaba ng kanilang apartment.

Nakarinig umano siya ng putok ng baril at nang kanyang akyatin ang kanilang kuwarto ay tumambad sa kanya ang duguang sundalo.

Naitakbo pa sa University of Santo Tomas Hospital si Arceo pero hindi na ito umabot nang buhay dahil sa tinamong tama ng bala sa baba.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?