8

Jul 31, 2020 @ 16:06
By

Sundalo mamamahagi ng COVID cure – Duterte

Gusto ni Presidente Rodrigo Duterte na ang mga sundalo ang mamahagi ng COVID-19 vaccine sakaling magkaroon na ang bansa nito.

Sa kanyang mensahe sa bayan na inere kaninang umaga, sinabi ni Duterte na hindi na siya nagtitiwala sa mga kapitan sa barangay na maaari aniyang pulitikahin ang proseso.

“Sino ang magdala nito? Military lang. I am asking the Armed Forces, I am asking Gen. Lorenzana. There’s a setup, there’s a task force, but the implementing arm, military,” ayon kay Duterte.

Nilinaw naman ng Pangulo na bagaman mga militar ang nakatoka sa pamamahagi, mga nars ang mangangasiwa sa pagbabakuna.

Tiwala rin si Duterte na magiging normal na ang lagay ng bansa sa Disyembre dahil sa COVID-19 vaccine mula China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?