63

Jun 18, 2022 @ 17:11
By

Sundalo binoga ng kasamahan; suspek binaril sarili

Patay ang isang sundalo matapos itong barilin ng kasamahan sa Camp Weene Martillana sa Camarines Sur ngayong Sabado.

Sa ngayon, hindi pa inilalabas ang pangalan ng nasawing biktima, na may ranggo na major.

Bukod sa biktima, sugatan din ang isa pang sundalo na may ranggo na sargeant.

Ayon sa 9th Infantry Division, naganap ang pamamaril dakong alas-1:30 ng madaling araw.

Pinagbabaril na lang umano ng suspek na may ranggong captain ang dalawang kasamahan. Matapos ito, binaril niya ang kanyang sarili at nasawi rin.

Iniimbestigahan pa ang dahilan ng pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?