21

Oct 9, 2021 @ 17:44
By

Sundalo bawal umepal sa kampanya – Lorenzana

Nagpaalala si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa mga sundalo na huwag makisali sa kampanya ng sinumang kandidato ngayong 2022 elections.

Ani Lorenzana, dapat ay iwasan ng mga sundalo ang partisan politics upang mapagtuunan nila ng pansin ang kanilang trabaho na protektahan ang sambayanan.

“Soldiers are not allowed to campaign for anybody. This is wrong,” pahayag ni Lorenzana ngayong Sabado. “Let us maintain the professionalism of the AFP.”

Ang direktiba ng kalihim sa mga sundalo ay gaya rin ng naging utos ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar na ang mga pulis na may kamag-anak na tatakbo sa lokal na posisyon sa halalan ay ililipat ng lugar upang maiwasan ang partisan politics.

Marso 2022 ang umpisa ng kampanya para sa lokal na posisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?