96
arrested-jail
By

Sundalo arestado sa pag-blackmail sa 2 GF ng sex video

Sharing is caring!

Dinakip ang isang sundalo matapos nitong pagbantaan at takutin ang dalawang dating kasintahan na ipakakalat ang mga hubad na larawan ng mga ito at mga sex video kung hindi makikipagtalik sa kanya sa Iligan City noong Hunyo 29.

Lingid sa kaalaman ng suspek na si Private First Class Rene Cantomayor, 30, nakatalaga sa 5th Infantry Division sa bayan ng Gamu sa Isabela, magkakilala ang dalawang biktima.

Agad nagreklamo ang mga biktima sa pulisya dahil umano sa pagbabanta at pananakot ni Cantomayor sakaling hindi sila pumayag na makipagtalik dito.

Ayon sa isa sa mga biktima, kamakailan lang nang makipaghiwalay siya kay Cantomayor na nag-demand pa noon na makipag-sex bago ito natalaga sa Mindanao.

Nahaharap sa mga kasong grave coercion at paglabag sa violence against women act si Cantomayor.

Posible ring makasuhan ng cybercrime ang naturang sundalo dahil nakita sa cell phone nito ang mga maseselang larawan ng kanyang dalawang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?