84

Jul 4, 2020 @ 13:03
By

Sundalo, 3 pa todas sa Basilan

Patay ang isang sundalo at tatlong iba pa matapos ratratin ng hindi pa nakikilalang grupo sa Tipo-Tipo, Basilan nitong Sabado ng umaga.

Ayon sa militar, nangyari ang pamamaril sa Barangay Bohe Lebbung bandang alas-9:30 ng umaga.

Bukod sa sundalo, nasawi din ang dalawang miyembro ng CAFGU Active Auxilliary, maging ang isang sibilyan.

Samantala, dalawa pang CAA at silibyan ang nasugatan sa nasabing insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?