By

Sunblock, panlaban sa matinding init ngayong summer

Sharing is caring!

Alam n’yo bang mabuti sa balat ang paglalagay ng sunblock o sunscreen o ano pa mang panlaban sa matinding sikat ng araw upang maiwasan ang sunburn, pangungulubot ng balat, at mga kaakibat nitong komplikasyon gaya ng kanser sa balat.

Ito ay maaaring lotion, spray, gel o iba pang anyo na pinapahid sa balat. Taglay ng produktong ito ang ilang mga sangkap na may kakayahang pumigil sa ultraviolet (UV) radiation na siyang nagdudulot ng hindi kanais-nais na epekto.

Ang paglalagay ng sunblock sa balat ay dapat isaalang-alang lalo na sa panahon ng tag-init o summer.

Tiyakin na ang gagamiting sunblock ay bagay para sa aktibidad na gagawin, may mahusay at aktibong sangkap, SPF na hindi bababa sa 30, at naaayon sa uri ng balat.

Ipahid sa bahagi ng balat na masisinagan ng araw. Tiyakin ding mapapahiran ng husto ang lahat ng balat na nakalabas gaya ng mukha, braso, hita, balikat, likod, batok at likuran ng tenga.

Hintaying masipsip ng balat ang sunblock. Maghintay ng 15 minuto hanggang 30 minuto bago lumabas at magbilad sa araw. Maaari pa ring masunog ang balat at mas madali rin itong mawala kung kikilos na agad nang hindi pa tuluyang nahihigop ng balat ang sunblock.

Magpahid ulit pagkalipas ng ilang oras. Ang epekto ng sunblock ay kadalasang nawawala na matapos ang dalawang oras kaya mabuting maglagay ulit pagsapit nito.

Dagdagan din ang sunblock pagkatapos ng paglangoy o sobrang pagpapawis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?